Ano nga ba ang Online Business at paano magtatagumpay dito
Marami sa mga pumapasok sa online business ang nadi disappoint lalo na kapag hindi agad nila nakuha yong resultang inaasahan nila. Madaling ma burn out lalo na kung wala agad mangyari sa business nila at hindi agad sila kumita. Aminin man natin sa hindi marami ang sumasali sa mga networking or business opportunity ay dahil sa kitaan, dahil kung tutuusin nga naman maganda at malaki ang pwede mong kitain.
Kaya marami sa kanila nakafocus na lang agad sa kung paano agad sila kikita, nakakalimutan nila kung paano nila muna kailangan ihanda ang sarili nila.
"Para silang susugod sa gyerang walang dalang bala."
Hindi porket sinabing malaki ang kitaan at madali lang gawin ang online business o networking aasahan nyo na ganon talaga siya kadali. Syempre kailangan talaga etong paglaanan ng oras, araling mabuti, lalo na kung paano maiimarket ng maayos ang business na pinasok.
Dahil sa bilis ng pagdami ng mga online marketer dapat alam mo kung paano mo maiaangat ang sarili mo above the competition. Dapat may solid plan ka kung paano mo patatakbuhin ang negosyo mo, kahit na sabihin pa na nakalatag na andyan na proofs, legalities, product, advertising etc. at ang gagawin mo na lang is ipost mo lang ng ipost, ishare sa mga social media yong business mo para mapansin at makakuha ng prospects.
Pero, hindi lang sya ganon kadaling gawin dahil marami rin ang kagaya mo na naghahanap din ng prospects. May kanya kanya o minsan pare pareho pa ng inaalok na business opportunity pero isipin mo, ano ang pwede mong gawin para s'yo sila sumali at ikaw ang piliin nila.
"Halibawa nasa mall ka di ba sa mall tabi tabi yong mga tindahan. "
"Let's say pupunta ka sa dalawang tindahan na halos parehong pareho. Pero syempre ikaw mamimili hindi ka muna agad bibili, hindi ba? Ang gagawin mo muna pupuntahan mo muna yong dalawang tindahan na iyon at titingnan mo muna kung alin ang mas mura, alin ang mas maganda ang service at kung anu-ano pa bago ka bibili hindi ba?"
Ganon din dito sa online business dapat may somethings kang maiooffer sa mga makaka usap mo something na mapapakinabangan nila na pwedeng makatulong sa kanila sa business kung sakaling papasukin na rin nila ang online business kase marami sa kanila ang first time lang sa ganitong business hindi nila alam ang gagawin nila kaya dapat mai assure mo sa kanila na makakaya rin nilang gawin etong online business. At kapag nakita ng prospects mo may maganda at maayos kang offer, sa tingin mo ba hindi mo sila mapapa "YES"?
Kung gusto mo kumita ng malaki sa industriyang ito dapat bigyan mo sya ng time na aralin. Dahil iyan din ang kailangan mong ituro, kailangang may mai share ka sa magiging partner mo sa business mo ng sa ganon marami kang makatulong sa pagbuild ng network mo. Mas malaki ang network mo mas malaki ang income pero paano mo mapapalaki ang network mo kundi mo alam kung paano ang tamang gawin, hindi ba? Online business or network marketing is a duplication at paano ka makakapag duplicate kung wala kang alam?
Kailangang mag invest ka muna sa sarili mo bago mag invest ang ibang tao sa'yo.


0 comments: