Pagod ka na ba sa iyong MLM or network marketing business?
Feeling mo ba may mali sa ginagawa mo kaya hindi mo ma convince ang ibang tao na bumili ng product o sumali sa business opportunity na inooffer mo?At dumarating pa sa point na pinagsisihan mo pa yong networking company na sinalihan mo ay hindi maganda at feeling mo pa ay na SCAM ka.

Pero ang hindi natin alam may mali lang pala sa diskarteng ginagamit sa pakikipag usap sa ating mga prospect.
Share ko lang etong natutunan ko para mai apply mo rin sa business na ginagawa mo? Sa kahit na anong marketing field kailangan maconvince natin silang maigi na maganda talaga ang product or business opportunity na inooffer mo.
Pero paano nga ba talaga ang tamang paraan para magawa natin 'yong bagay na 'yon?
Simple lang ang sagot kaibigan, kailangang mo munang kumbinsihin ang sarili mo.
Nakakatawa ba? :) Pero yon talaga ang totoo. Humarap ka sa salamin at kausapin mo ang sarili mo na parang kinaka usap mo yong taong gusto mong offeran ng business opportunity mo.
At tingnan mo kung sa tingin mo kakumbinsi kumbinsi yong mga sinasabi mo sa sarili mo.
Mahirap mangumbinsi talaga ng tao kung ikaw mismo sa sarili mo hindi ka kumbinsido sa ganda ng inaalok mo. Mararamdaman ng kausap mo kung nagsisinungaling ka para lang makabenta sa kanila kahit na sa facebook at internet lang kayo nag uusap.
Pero paano mo nga ba makukumbinsi ang sarili mo?
Kailangan mo munang pag aralan at iapply sa sarili mo kung ano man ang inooffer mong products or business opportunity.
Kailangan mo syang itest sa sarili mo ng sa ganon ikaw mismo, alam mo yong benifits at magandang makukuha nila kapag binili nila yong inooffer mo.
Ikaw mismo makakapag testimony sa product or business opportunity inoofer mo.
Ang pagiging network marketer ay pagpo promote ng produkto at ng sarili mo. Para kang modelo ng produktong yon at dyan ka titingnan ng mga prospects mo. Kailangan mong ipakita na may kredibilidad ka pati na 'yang mga sinasabi mo habang pino promote mo yong prudukto o 'yong business opportunity mo at maganda kang ehemplo sa kanila kung saka sakaling makipag negosyo sila s'yo.
I hope may naitulong ako sa inyo kahit na sa maliit na bagay.See you on my next blog.
Thank you and have a good day everyone! :)

0 comments: